Masasabi kong mahal ko na nga ang isang tao kapag sobrang nag-aalala ako kahit hindi naman dapat. Kapag sobrang nauubos ang oras ko sa buong araw kakaisip sa kanya. Kapag masyado akong makulit kahit sa nonsense na bagay. Masasabi kong mahal nga talaga kita.

(Source: beben-eleben)
“Welcome CEU Malolos”
Welcome CEU Malolos! Welcome probinsya life! WELCOME SA BAGONG BUHAY DREY!
Hahaha hindi naman bago eh, wala namang bago kasi sa probinsya pa rin ako galing, isa pa ring hamak na probinsyano! Pero kasi eto talaga yung hindi ko matanggap sa buhay ko, hindi ko matanggap na hindi na ko nakakapanood ng sine na tigbebente pesos, hindi na ko nakakain ng one day old chix, pati yung shawarma rice na paborito kong kainin sa Uste wala na din! at yung rockband na pinaglalaruan namin dati ni emman at bry! putang ina shit! Lalo na si Mang Toots na kinakainan ko ngayon si Mang Kanor na lang ang natira!
Ano ba pinagkaiba ng manila sa malolos? MADAMI! Madami akong di makakalimutan sa Manila, at marami din akong hindi nagagawa sa Malolos na magagawa ko sa kung sa manila pa ko. Saka ang mga chix sa Manila mas maganda kesa dito, pero maganda pa rin ang mga chix dito kaya lang parang mas maganda talaga doon sa manila saka mas marami! Ang mga kaibigan ko dito di ko maintindihan magsalit minsan pero okay lang kasi natutuwa naman kami ng barkada ko pag naguusap sila! Hahaha At isa pa mas masarap mamasahe papunta manila kesa dito sa malolos, yung mga pelikula ni robin saka ni manoy napapanood ko pa sa killer bus kahit yung mga sa sine pa lang pinapalabas eh ipapalabas na din sa killer bus! Shit pero dito sa jeep walang kwenta mainit pa, tulog pa katabi mo!
SHIT SHIT SHIT SHIT talaga! Paglabas ko pa ng ceu wala man lang akong mapuntahan, yung tipong kahit naglalakad ka marami ka makikita, pero pag nasa manila ako kahit maligaw ako ang saya saya ko pa rin, shit. Pero hindi ko na pwede ibalik yung oras na nasa manila pa ko, pero sana kaya kong ibalik kasi mas masaya talaga don, at kung makakabalik man ako don, aaaaaaaaaah basta pag doon na ulit ako nag aaral sigurado ko mas masaya ako kesa dito.
“Tuwawi ang itawag ninyo sa akin”
Ganyan ang sabi kong itawag sa akin ng mga kaklase ko, ng mga naging kaklase ko. Kasi iyon ang tawag sa akin nung highschool pa ko. Madalas pag nagpapakilala ako sa mga klase nagtatawanan yung iba yung iba kinikilig at syempre mga walang pakialam yung iba, take note ang mga kinikilig ay ang mga beki. Ilang beses na din ako nagpakilala sa harap ng ibat ibang kaklase dahil sa dami ng aking klase kasi nga irreg ako.
Oo na irreg ako, dahil galing ako UST, isa akong archi student noong 1st sem. Tama dati akong Thomasian, naranasan kong maglakad sa papasok sa arch of the century pero nung umalis ako ng 2nd sem hindi ko sinunod kung saan nakaturo si benavides dahil sa CEU Malolos ako napunta at ngayon eh ganap na ngang Escolarian. Eto ako ngayon Pharma student naman, bale hindi naman ako naghahanap ng mahirap na course, saka kaya pa naman ng utak ko.
Hindi ko alam kung ano bang pinag gagawa ko sa buhay ko, hindi nga ako wagas na natutuwa dito sa probinsya. Madalas naiisip ko pa rin na sinayang ko buhay ko noon nung nasa manila pa ako nag aaral, pero wala eh, mali yung course na pinili ko, archi!? shit bro, hindi na ko natutulog para lang makagawa plates non. Pero dahil sa mga kaibigan ko dati na sa Manila din nag aaral eh naisip ko na masaya pala ang mabuhay doon. Hahaha inom dito gala doon nood sine dito babae doon, wa lang hi ya. Pero eto na nga eh, biglang pumasok sa isip ko na mali talaga ang course ko, kaya lumipat na lang ako sa CEU at sinunod ang course na gusto ng mama at papa, PHARMASHIT!
“Pero bakit naman sa Malolos pa Mama!?”
“Kung gusto mo talaga mag aral ng mabuti, eh di dito ka na sa mas malapit!”
Parang bumagsak ang pangarap ko, nasira na ang kinabukasan ko, ang mga pangarap kong galaan, pangarap kong mga chix, pangarap ng magbabarkada, at kung anu ano pang kagagohan sa buhay ko. Pero wala eh, nagsayang ako ng P60k na tuition kaya susundin ko sila mama.
Eto naman ako sa Malolos, masaya kahit papano, kasi nandiyan ang mga kaibigan ko, at mga kapatid sa ikalawang bahay, pati na rin ang mga barkadang tunay. Hindi man ganon kasaya, kagago, kadaming chix at karumal dumal na kawalang hiyaan eh nakuntento na ko. Pero pinapangako ko, na isang araw sana sa 3rd yr ng college ko sa CEU Mendiola na ko!

